Ang lamig ng mga oras na iyon
pakiramdam ko nasa States na ako
nanginginig na ang aking mga tuhod
naninigas na ang mga daliri
pero naibsan ito
nang binalot mo ang jacket mo sa akin
lamig na lamig ka din naman
pero pinahiram mo pa din ako
hindi ko tuloy alam kung may sapi ka
o sadyang mabait lang talaga
nakaramdam na ako ng init
hindi lang mula sa jacket
kungdin sa kilig na pinaramdam mo
salamat huh
pero sa totoo lang
ang lamig pa din.

"Teka kulang pa ata
dadagdagan ko pa
tatlong kutsarang kape
sa isang tasang tubig
mainit na mainit
walang asukal
para matapang
purong puro
parang pagmamahal ko sayo."

Nakita kita kanina
sa may Trinoma
nag-iisa ka
o baka nag-aantay ng kasama,

Gusto sana kita tawagin
lapitan at tapikin
kawayan at kausapin
baka sakaling akoý kamustahin,

Pero tumalikod na lang ako
naglakad ng palayo
baka balewala lang ako sayo
at masayang lang ang oras mo. 

Nagdaan na naman ang isang gabi
naghihintay ng katabi
tulala sa kisame
balot ng pagkatameme,

Di ko na namalayan
maliwanag na ang kabahayan
inabutan na naman ako ng umaga
umaasa na ika’y bubulaga,

Ipipikit na lang ang namamagang mata
sa pagdiklat ikaw sana’t makita
ilang araw na din
sana’y iyong dinggin. 

"

Ayan at pasikat na ang haring araw. Kailangan ko na bumagon mula sa aking matigas na papag. Kailangan ko na banatin ang mga buto kong banat na banat na. Kailangan hagilapin ang bawat “baka sakali” na magpupunan sa kumakalam kong sikmura. Kailangan kong magpakabilat sa araw kahit hindi naman ako isang daing na isda.

Ayan at tirik na tirik na ang haring araw. Malungkot na ang mga paninda kong makukulay na lobo. Malungkot na ang kutis kong tila kinulayan ng masasakit na pula ng krayola na gawa sa init ng panahon. Malungkot na ang aking mga mata na halos malabo na ang lahat ng aking nakikita. Malungkot na ang tyansang makabawi ako mula sa mga nalugi kong paninda kahapon.

Ayan at palubog na ang haring araw. Mula sa trentang nakukulay na lobo na aking nilako, lima lang ang aking nabenta. Mula sa limang lobo na aking nabenta, mayroon lang akong kinse pesos na kita. Mula kinse pesos kong nakuha mula sa buong araw na pagtitinda, kalahating kilong bigas lang ang aking mabibili. Mula sa kalahating kilong bigas na aking lulutuin, alam ko na bukas ay makakabawi din ako.

"
                      - Wilson Esguerra (Manlolobo)

Kagabi, naalala naman kita
sa mismong kinauuupan namin
sa mismong inupuan natin
naalala na naman kita
parang tanga lang
hindi na nadala
hindi na nakalimot
hindi na nakaalis
parang tanga lang
ilang buwan na ang lumipas
dinaig ko pa yung iba
wala namang tayo
pero feeling pwede parin tayo
heto na naman ako
ikaw pa rin ang gusto
sinasamba ang isang bato
nagmamahal kahit laging talo
at oo, hindi ka nagkakamali
ikaw pa rin ang nandito
parang gago nuh?
kasing gago mo

Don’t just click, Think!

               Most of the problem of netizens nowadays is they abusively practice their freedom of speech or their freedom of expression or their freedom to give their own opinion to every issue in a wrong way throughout the social media. Some of them based their words on the picture or the video they saw without clarifying the story briefly. Some of them based their words on the comment section they just read. Some of them are just random people who wanted to play around, get some attention, or just too lazy to wash their dishes first.

               Nowadays, some people think that saying everything they want without making sure it matter, can turn the spotlight on them. They think that using freedom of expression is an avenue to fame or fun and not really for the public information and clarification itself. Instead of helping each other or looking for an answer, people started bashing everyone, playing with hurtful words, throwing curse, and even threatening someone. Some of us are growing like Benjamin Button in a bad way.

               We need to be responsible in every word we say, in every sentence we post. We need to be responsible in practicing and using our freedom. We need to be smart. We need to be alert. We need to be someone who understands the issue and someone who looks for an answer without using a deadly cannon words. It’s not about putting our tone down, but rather about turning our tone in more reasonable and effective harmony.

- Wilson Esguerra

"

There’s no more butterfly
in my stomach
the stare that you used to do
gone like a lost treasure of Japan,

There’s no more sweet messages
in my inbox
all those clingy words
faded like an old photograph,

There’s no more hi or hello
in my ears
the way your voice gives me happiness
flushed in the black hole,

There’s no more warm hand
in my possession
the security I felt with you
blown away like a bubble,

There’s no more you and me
in my story
all the pages we’ve written
burned like they never exist.

"
"

Konting diin pa
lagyan mo ng pwersa
sige pa, sige pa
bilisan mo pa,

Malapit na
malapit na
wag mong tigilan
sige pa, sige pa,

Ayan na, ayan na
malapit na talaga
kay gandang bata
isa ka nang ganap na ina.

"
"Kay sarap balikan
ang panahon na kay saya
mula sa imbitasyon na
“Tara, kape!”
patungo sa
“Inuman na!”
at sa mga
“Food trip tayo”
hanggan sa
“Oh kamusta?”
na huling nagtapos sa
“Uy miss na kita”
pero tila naanod na
tinangay na ng bagyo
binura ang mga bakas
wala na ang bagay-bagay
na minsan nagpasaya
na minsan pinahalagahan
na ngayon’y bahagi na lang
na nangangalawang na nakaraan."
"

Sa paanong paraan ba pwedeng sambitin
ang mga tanong na bakit ganun?
bakit hindi ako?
buti pa sila, paano naman ako?
mga bagay na patuloy na magulo
at lalong nagugulo
bakit nga ba?

Madalas na lang ako naghahanap ng wala
laging nakikita ang meron sa iba
pinipilit punan ang kulang
naglalakad ng walang hanggan
walang kapaguran
gutom na gutom
pagod na pagod,

Kadalas pakiramdam ko malas talaga ako
minsan naawa na lang sa sarili
mag-isa sa upuan
tulalang nag iisip ng malalim ~
ang hirap pala maging malungkot
nakikita mo sa iba ang sagot
naiiyak na lang sa isang sulok.

"
"

Nagising akong pawisan
malakas ang kabog sa dibdib
tila tumakbo ng ilang milya
naghahabol ng hininga,

Hindi malaman ang pinaginipan
tila may kung anong sumanib
napaupo na lang sa silya
nanatiling tulalang nakanganga,

Naguguluhan ang isipan
di alam kung saan aanib
hindi talaga kinaya
panaginip na takot ang bunga.

"
badboyvernon: dear vernon!!!!

"Teka, paano ko ba sisimulan"
tanong ng ni Wil
"Wag mong gawan!”
sabi ni Son
"Bakit naman?"
tanong ni Wil
"Basta, wag mo gawan"
sabi ni Son,

Pero tila nagkusa si Wil
kahit pinigilan ni Son
Okay naman sila ni Ver
diskompyado lang sya kay Non
Ilang beses na kasi
na tila di naman nagkataon
wag mo na itanong
tapos na ako mag move-on,

Ginawan mo parin?”
tanong ni Son
"Para naman kay Ver”
sabi ni Wil
"Bahala ka nga
sabi ni Son
"So ano na ang next”
sabi ni Wil. 

viviklaaang: Dear Klasizze? :)

One
thing
that
connects
us
                   M.E.A.N.

I
talk
straight
I
ask
with
no
brakes

paelbalbaboco: Dear Pael "Ganda" Balbaboco... hahahaha

Naalala ko ang Nasugbu
kapag napapalingon ako sayo
nakakamiss ang simoy sa umaga
para gusto kong umuwi na,

Sa pagkakataon na ito
hindi pa rin kita nakikita
di pa nakakausap ng direkta
nilapit lang tayo ng birtuwal na kamunduhan,

Sana sa pag-uwi ko sa Nasugbu
sana may millagrong magtulak ng pagkakataon
alam kong malaki ang Batangas
pero malay mo.

Pael







Theme